About
LandWatch-Philippines is an advocacy blog on access to land affecting the farmers, indigenous people, fisherfolks and forest dwellers in the Philippines.
Recent Post
- CBCP to Monitor CARPer Implementation
- PDI Editorial: CARPER, Right or Wrong (081009)
- PAKISAMA: CARPER is better CARP
- CARPER Principal Author Snobs Signing of Law
- PGMA to Sign CARPER Bill in Bulacan
- F. Sionil Jose: Our Murdered Peasants
- Walden Bello: CARPER--Latest Episode in the Battle for Agrarian Reform
- Case Unclosed: Multisectoral Fact Finding Mission for Ka Rene
- Sun Star: Slain militant leader laid to rest
- CODE-NGO: Mourning a Great Loss, Honoring a Great Man
- Inquirer: Nonviolent struggle ends in murder
- Gang Badoy Interview: What Was Ka Rene Like?
- DLSU-CoNIC: Ka Rene, Tuloy po ang Laban!
- Ernesto Ordonez: Murdering Farmer Leaders
- CBCP News: Groups to hold mass for Ka Rene at ADDU’s chapel tomorrow
Links
Radyo Veritas: Interview with CBCP President Angel Lagdameo and Fr. Anton Pascual on CARPER and Water Dispersal of Farmers, Priests and Nuns at Batasan
Tuesday, May 26, 2009DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Angel Lagdameo
Archbishop, Archdiocese of Jaro
President, Catholic Bishops Conference of the Philippines
26 May 2009 – Tuesday
Q: Archbishop Angel good morning po. Ano po ang inyong masasabi sa marahas na dispersal ng mga magsasaka kahapon sa kamara kung saan maging si Bishop Pabillo ay nadamay din sa nasabing pangyayari kahapon? Pagpapakita po ba ito na hindi na nirerespeto ng mga taga-kongreso ang ating mga Obispo?
A: Well, of course hindi lamang mga Obispo. Kahit sinu-man na ginagawan nila ng ganitong pamamaraan ay hindi nararapat. Dahilan sa mayroon namang karapatan ang lahat ng mga citizen na magsagawa ng kanilang advocacy. Ang advocacy naman nila ay para sa kabutihan ng mga maliliit lalong lalo na ang mga farmers. Kaya ang nararapat sana na ginawa nila sa halip na tubig ang kanilang isagot ay sana’y nakipag-unawaan at sana’y nakinig sa kung ano man ang sasabihin ng mga farmers kasama si Bishop Pabillo. So, I condemn such an actuation on the part of the police because they are not the ones supposed to respond the advocacy of the farmers but the congressmen.
Q: Maging doon din po sa loob ng plenaryo ay hindi rin po pinapayagang pumasok ang mga farmers. Sabi ng mga security personnel utos daw po sa kanila ito ni speaker nograles?
A: Well hindi lamang mga farmers ang gumagawa ng advocacy na ito kundi ang buong ka-Obispohan ay nagsisilbing tinig ng mga farmers sa usaping ito. At nagsagawa na rin naman kami sa aming mga appeal sa kongreso tungkol sa CARPER infact, pirmado namin yan, ang usaping ito at sana nga maipasa itong CARP with appropriate reforms at ng sa gayon ang mabibigyan ng gantimpala, mabibigyan ng lupa ay magkaroon din naman ng sapat na itutustos upang kanilang ma-develop ang lupang ipagkakaloob sa kanila.
Q: Archbishop hindi pa rin po ba magbibigay ng final at official statement ang CBCP sa mga kongresista at mga senador na huwag silang iboto sa darating na halalan lalo na yaong mga mambabatas na ayaw suportahan ang CARPER?
A: Ito ay hindi pa naman namin napag-uusapan ang bagay na yan. Pero ang aming appeal ay appeal ng buong ka-obispohan na sana ang CARP with appropriate reforms ay maipasa dito sa kongreso ngayon buwan.
Q: Ano po ang maipapayo ninyo sa mga farmers na talagang galit na galit na at ang iba sa kanila ay nagkasakit na nga dahil mainit ang panahon kahapon ng kanilang pagmamartsa mula St. Peter Church papuntang kongreso then pagdating doon ay binomba pa sila ng tubig? Message po natin sa kanila?
A: Ang aking mensahe sa mga farmers ay ito. Na sana’y hindi kayo mawalan ng loob sa advocacy o sa inyong campaign at nang sa gayon ay maipasa ang CARP. Huwag kayong mawawalan ng loob. Kahit nangyari ito sa inyo ay meron kayong karapatan naman na magalit pero hindi sa pamamagitan lamang ng galit natin ito masasabi ang nauukol. Kaya kaming mga obispo ng Simbahang Katolika ay nasa panig ninyo sa ganitong usapin. Harinawa ay magkaroon ng unawaaan ang magkabilang panig. Harinawa ay magkaroon ng pag-unawa sa kalagayan ninyong mga magsasaka sapagkat dahil sa inyong mga ginagawa sa lupa kumakain ang buong sambayanan. Dahilan sa pagbubungkal ninyo ng lupa ang lupa ay nagiging mayaman at nagkakaroon ng mga bunga at kumakain ang sambayanan. Ang buong sambayanan ay may utang na loob sa mga magsasaka kaya kinakailangan ay sagipin ang mga magsasaka sa kanilang ipinaglalaban at sa kanilang kahirapan.
Q: Ano po ang mensahe na nais po ninyong iparating kay House Speaker Nograles?
A: Well, ang aking message para sa ating House Speaker ay sana ay harapin niya at magkaroon sila ng unawaan ng mga farmers at magkaroon ng panahon na maibigay ng mga farmers ang kanilang sentimyento sa mga nangyayaring ito. Bukas puso. Bukas isip at ng sa gayon ay matulungan natin ang mga mahihirap na magsasaka.
* * * * * * * *
Exclusive Interview with
Father Anton C.T. Pascual
Executive Director, Caritas Manila
President, Radyo Veritas
26 May 2009 –Tuesday
Q: Father Anton, ano po ang inyong reaksyon bilang isa sa mga pulong abala sa adbokasiya na nagsusulong ng CARPER sa marahas na dispersal sa mga magsasaka kahapon?
A: Kaya nga. Tayo nga ay nalulungkot sa naturang pangyayari at bakit humantong pa doon. Pinapahanap ko nga kung saan nanggaling yong mga dispersal unit at sabi sa akin hindi pala mga pulis yon kundi mga bumbero sa loob ng kongreso ngunit ang maganda namang nangyari kahapon ay napakiusapan natin ang Speaker Nograles na makapasok si Bishop Pabillo at ang 9 na magsasaka upang masaksihan ang kanilang sesyon at kung maaari ay makausap ang speaker kahapon ng hapon.
Q: Nagkausap naman po sila Father?
A: Mukhang nagawan ng paraan. Ang nakalulungkot lang dito kaya ang simbahan ay nagdo-double time at nagtri-triple time sa kanyang moral pressure kasi itong usapin ng land reform ay matagal na ito e. 20 years ng naghihintay ang mga magsasaka at alam natin na justice delayed is justice denied. Itong pinaglalaban ng simbahan ay para sa mga magsasaka e di dahil nasa katuruan ng simbahan, ito ay nakasulat din sa ating Saligang Batas na napakatagal na kaya’t yong pagkakainip ng mga magsasaka at ng simbahan ay talagang sa larangan ng katarungan, justice being delayed na naman. Alam po natin na hanggang next week na lamang itong sesyon ng kongreso. Hanggang June 3 na lamang ito. Kaya’t baka na naman maulit ang nangyari noong Disyembre na ura-urada ay gumawa sila ng mga policy na hindi pabor sa magsasaka. Kasi ang version ng Congress at Senate ay okey na sana sa farmers e at saka ok na sa Simbahan. Di na kailangang lagyan pa ng bago amendments. Ito ang iniingatan nating mga killer amendments. Yong kanilang sinasalang na na bill ay ok na sa amin yon e. at aprubahan na lang nila kaya nagtataka nga tayo bakit nila ito dini-delay.
Q: Kaya po father ay naging eye witness sa pakikipagdayalogo ng mga Obispo sa iba’t ibang lider ng kongreso at ng executives, kayo po ba ay may compilation kung anu-ano ang mga ipinapangako nila?
A: Basically nakapag-organized na ako ng apat e. na organized ko na ang Senate, Congress, sa Obispo at sa dalawang Cardinal. Kay PGMA mismo at lahat naman sila ay sumasang-ayon sa land reform extension at walang hindi sumasang-ayon. Ang iniingatan lang natin at binabantayan itong mga killer amendments gaya ng pag-aalis ng mga compulsory, alam mo naman ang mga matatalinong tao ano.
Q: Saka yong phasing, phase 1 and phase 2?
A: Yes. Alam naman natin sa mga taga-pakinig natin na matindi po talaga ang mga nag-lolobby dito na mga land owner at mga korporasyon. Talagang ang gobyerno ay napre-pressure talaga dito.
Q: Ang pangako ni Speaker Nograles doon sa mga Obispo na dumalaw sa kanya noon, kung ano ang pagtitibayin ng Senado at yon ang kanilang ia-aprove? Bakit nag-utos pa siya na magsagawa ng pagdinig at mag-aral pa ang technical working group ng House of Representatives sa kanilang version at yon pala ay kanilang ia-adopt lang kung anu ang gagawin ng Senado?
A: Kasi alam po natin ay matatapos na ang Senate sa mga darating na linggo at mukhang hindi pa tapos ang Senate version e. kasi ang usapan nga ay tumatakbong parang ganyan, na pagkatapos ng Senate which was supposed to be last week, last Wednesday at last Friday dapat tapos na yan, e parang mute and academic na lang ano? Na sasang-ayon ang kongreso sa ipapasa ng Senate. Kaya ito rin an gating babantayan at hindi pa matapos-tapos ang senate bill.
Q: So, kung hindi matatapos ng senado, walang ia-adopt ang house?
A: Yon na nga. Ito nga siguro ay ipinagpapatuloy nila itong deliberation nila dito sa carper sa congress. Pagnauna ang Senate at whatever the version of the Senate kukunin nila ang ito. Kaya parehong na pre-pressure ang Simbahan sa Senado at sa Kongreso. Sabi ko nga sa mga Obispo kung pwede na nilang tawagan one-on-one ang mga Senador. Para nga mabigyan ng moral pressure sapagkat napakatagal na ng usapin ng land reform na ito.
Q: Kasi po parang nakakaamoy ako ng conspiracy?
A: Kaya nga ayaw nating mag-isip ng masama ano? Pero ito na nga itong sinasabi mo na conspiracy na alam naman natin na mayroon.
Q: Kasi po parang naghuhugas kamay na ang bawat isa e?
A: Yon na nga. Parang nagtuturuan na nga sila. Sino ba talaga at ano ba talaga kuya?
Q: Father yong ginawa kahapon, hindi pa rin mawala sa isipan ko na dinisperse ang mga magsasaka, ang di ko po maunawaan, bakit itong batas sa Agrarian Reform na maraming gustong matupad at marami ang nagrarally ay kanilang parang inuupuan samantalang ang pagbabago ng Saligang Batas gigil na gigil silang pag-usapan and yet wala akong nakikitang tao na nagkukumahog na nananawagan para ito ay pagtibayin?
A: Yon nga. vested interest yan e. Dyan umiikot ang usapin kung sinu ang makikinabang sa mga panukala na ipapasa kaya’t ang simbahan ang ating adbokasiya ay sunod-sunod yan Anti-RH bill tayo, anti-cha-cha at pro-CARPER tayo. Yon ang itinutulak, yan ang prophetic voice ng ating simbahan na pinapaalala sa mga mananampalataya lalong lalo na sa mga mambababatas at ang krusada na ito ng simbahan ay hindi political. It is moral. Ito ay hamon ng pananampalataya at hamon bilang pagtugon sa pangangailangan ng ating bansa.
Q: Less than a year na lamang po at eleksyon na. Yon po bang simbahan ay nagsasagawa ng listahan nang mga bomoto kontra doon sa mga social justice issue na nilalaban ng simabahan, kagaya po ng mga kongresista at mga senador na tutol sa CARP?
A: Nagpahayag ang ilang Obispo tungkol dyan ano, na ating ilalahad ang pangalan ng mga mambabatas na tatakbo sa 2010 na kumukontra sa moral position ng simbahan pero wala pang opisyal na pahayag ang cbcp. Pero ang magaganap talaga ang edukasyon, ito ang number one na napakahalaga. Educating our voters lalong lalo na ang mga kabataan na magkaroon tayo ng kamulatan tungkol sa mataas na pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng mapayapa, malinis at maayos na eleksyon. Kaya’t ang simbahan ay magdo-double time sa political education ng ating mga botante. At hindi ako magtataka na maglabas din ang mga obispo ng mga kandidato na sa kanilang mga aksyon ay kumukontra sa moral stand ng simbahan.
Q: Kasi po ang mga batang nakapanood ng BBC at tsaka ng CNN inggit na inggit sa parliament ng UK, ang mga natanggal na mambabatas doon ay na-involved lamang sa iskandalo ng paggamit ng telepono ng gobyerno sa personal na gamit? 500 dollars ang halaga ng kanilang ano pagkakatanggal sa pwesto. Sa atin ay milyun-milyon ang pinag-uusapan.
A: Kaya nga ang mahalaga dito ang character, ang integrity. Nasa mamamayan ito e. kaya kung matino ang majority sa ating mga Pilipino sa pagpili ng mga kandidato hindi uupo ang mga corrupt na nakaupo ngayon.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


